Annyeong Hasaeyo! Welcome!
 
I Love You, Nice Meeting You 

One Shot

… Sabi nga nila, ang pag-ibig, walang pinipiling bibiktimahin, kahit sino o kahit ano basta matamaan na nito ay wala ng magagawa kundi ang sumabay sa agos ito.

Pero possible kayang magkagusto o mainlove sa taong di mo naman lubusang kilala o sa taong hindi mo naman laging nakikita o nakakasama?

.

.

.

.

“Oy! Belle, layas muna ako ah! Text mo na lang ako… titigan ko muna yung malaking mukha ni Lee Min Ho sa Bench!” 

“Ha?! Baliw ka! Wag mo kong iwan dito!”

>_<

Nu ba yan! Kaya ko nga hinatak ang babaitang to dito ay para may makasama naman ako dito, tapos iiwan lang din pala ako?! Nagkakalokohan talaga tayo dito e!

“Sige na… babalik din ako promise! Saglit lang ako… tsaka almost 30 minutes na tayong nandito e, ang tagal ng boyfriend mo! Nakakainip kaya, nasa taas lang yung Bench o!!!”

O_O

Boyfriend?!!!!!!!

“Hoy Marie! Sino nagsabing boyfriend ko yung ungas na yun?!!! Sige na nga, lumayas ka na at puntahan mo na yang Min Ho mo, pero bumalik ka dito after 15 minutes or else…”

“Oo na po! Ge!~ Babush!!!”

Tpos kumaripas na ng takbo ang bruha…

Napabuntong hininga naman ako… masyado akong kinakabahan na ewan…

Anyways, I’m Belle Laura Naraja, 15 years old… 4th year high school at NBSB??? Kelangan pa bang isama yan??? Wattpad reader at writter kuno…

=_=

So yun nga, andito kami sa Mall para sa isang meet-up… pero dalawa lang kami. Hindi ko nga rin alam kung bakit naisipan ng asungot na to ang meet up na to. Buti na nga lang at nakagawa ako ng palusot na may merge class kami para makapunta dito at buti na lang at nahatak ko si Marie, para samahan ako dito. Yung iba kasi ay may mga gagawin din.

*vibrate*

Tinignan ko naman yung phone ko para malaman kung sino yung nagtext

From: Asungot

Malapit na ako. Sorry 

Inilapag ko na lang yung cp ko sa harap at hiniga yung ulo ko sa table, di ko rin naman siya marereplyan dahil first of all, wala akong load…

Naalala ko tuloy kung pano nagsimula ang lahat…

** Flash Back **

Kakauwi ko lang galing school, at ngayon ay kasalukuyang nakaharap sa pinakamanlilinlang na social networking site na “Facebook”, siempre para makibalita sa mga kaganapan sa aking kapaligiran. (Naks! Tagalog na tagalog XD) Pagbukas ko. Sinalubong naman ako ng sandamakmak na notifications, at limang messages. Pero dahil sa ako ay isang responsableng estudyante sa aming klase *insert sarcasm here*. Binuksan ko muna yung group ng section namin at sa kabutihang palad ay napakapayapa nito, ibig sabihin… wala kaming gagawin!!!

 

Dahil sa wala naman akong gagawin dun ay minabuti ko ng umalis at pumunta sa mga messages. Sumalubong naman agad yung message ng leader namin sa Foreign, para dun sa Port Folio na project namin… binaliwala ko na lang yun dahil alam kong may bukas pa. ^_^ Then yung iba ay galing sa tropa, siempre hinihingi lang nila yung sagot ko sa NAT reviewer.

 

At yung pinakahuli…

 

O_O

 

Yung author nung story na binabasa ko! Naghahanap kasi siya ng mga pwedeng maging operator ng mga characters sa story niya. At dahil sa idol ko yung bidang babae dun ay nag-apply ako. Nung binasa ko yung message niya e bigla naman akong nalungkot. Taken na daw kasi yung Female lead at nagulat ako nung bigla niyang ioffer sakin yung kontrabida.Which is like, hello ang layo kaya ng ugali ko sa kontrabida na yun. Tsaka sobrang naiinis din ako sa kanya kasi, nilalandi niya yung male lead. Imagine niyo na ako ay gagawa ng mga ganung bagay… nakaka-ano lang =_=

 

Nichat ko yung author na nagkataon na ol din sa mga sandaling yun para magtanong kung meron pang available characters na pwedeng iportray, pero sabi niya… Wala na daw at tanging yung kontrabida na lang na yun ang available. Pinag-isipan ko kung papayag ba ako o hindi, kasi gusto ko ring maging OP, parang astig kasing tignan di ba? Pero kasi Kontrabida yung ipoportray, yun ung mahirap… wala sa nature ko ang makipaglandian at maging bitch. But on the second thought, challenging yun.

 

Ako: Ms. Kyu? Payag na po ako ^_^

Kyu: Jinja??? Waaahhh! Kamsahamnida! Saranghae <3   (Really? Waaahhh! Thank you! I love you)

 

After nung convo namin ay sinimulan ko ng gumawa ng account… Inisip ko na rin yung mga gagawin ko, kung kelangan ko bang maging flirty or mataray. Parang naeexcite na rin ako na ewan, alam mo yun. Parang first time lalabas ang bad side ni Belle Laura Naraja…

 

^_^

 

After ng mga ilang sandali ay natapos ko ng gawin yung account kaya nagsimula na rin ako sa pagpapanggap ko. Nagulat naman ako kasi dinagsa agad ako ng mga threat na galing sa readers. Jusme! Kulang na nga lang ata ay sugurin nila ako dito para sakalin or imassacre na. Ganun ba nila dinadamdam yung role? Daig pa nila ang bida na magreact…

.

.

.

.

Habang nakikipagbakbakan ako sa mga nilalang na ito, nagulat ako nung biglang may nagpop-out na chat box…

 

O.O

 

Yung male lead nung story…

 

Siya: Hi ^_^

Nag-alangan pa ako kung magrereply ako o hindi. Pero in the end, nagreply pa rin ako. Di ba dapat kinakausap ko siya? Kasi nga nilalandi ko siya… Whooo!~ bigla akong nahiya…

Ako: Hi?

Siya:  Di ka ba nahihirapan? One vs. thousand readers?

 

Natawa naman ako sa sinabi niya. Pansin niya pala yun? Hahaha… pero mukhang kabaliktaran naman to ng mga nabasa ko. Sabi nila masungit daw yung OP niya. Napaka-moody din daw niya na akala mo laging meron at araw-araw PMS. Pero mukhang mabait naman siya, nakakagulat nga kasi kinausap niya ako.

Ako: Slight! Hahahaha… Kala ko nga kakainin na nila ako e XD

Siya: Tss. Ang gwapo ko daw kase.

 

=_=

 

Okay?

Ako: Oo malamang, ang gwapo kaya ni Kyuhyun -_-

Siya: Pero seryoso, gwapo talaga ako ^_^

Ako: Oo nga! Gwapo nga si Kyuhyun… -_-

Siya: Hindi kasi siya, yung OP ko. ^_^

 

Okay??? Mayabang din pala tong isang to.

 

Ako: Paki ko?

Siya: Sinasabi ko lang -_-

Yung totoo? Nagkakaintindihan pa ba kami?

Ako: Ewan ko sa OP mo. Anu bang name ng OP mo?

Siya: Just call me Liam 

 

Liam? Parang ngayon lang ako naka-encounter ng ganung pangalan…

 

Ako: Ahhh. Okay…

Siya: Ge! Out na ako. If you need help, don't bother to ask me okay? ;)

 

Tapos nag-out na nga siya. 

***


Simula nung araw na yun, madalas na kaming mag-usap. And I admit na parang ang gaan ng loob ko sa kanya, yung tipong nagkasundo kami kahit na hindi namin kilala ang isa't isa. Nag-improve din ang pag-uusap namin kasi naging magkatext kami. 

Pero alam niyo, simula nung araw parang naastigan ako sa ugali niya. Although hindi ko siya kilala in person, pero sa way na nakikipag-usap siya... nakikita ko yung ugali na meron siya at parang nakakaattract na ewan. Siguro malakas lang ang appeal ng Liam na yun

** Flash Back **

Nasa canteen ako ngayon, inaantay ang grupo kasi ganito naman lagi kapag vacant... magsasama-sama kami ^_^ 

"Boo!" 

O.O

Nagulat ako nung may biglang humawak sa balikat ko, hawak ko pa man din yung cellphone ko, shetness lang! >.<

Tumingin ako sa likod tpos nakita ko si Jaxiane na kasunod si Nicole. 

 

"Magkatext kayo nung Liam mo no??? Ayiiieeee!~" 

Sabi ni Jaxiane tpos umupo sila sa harap ko. 

"Liam? Yung ba yung boyfriend ni Belle???"- Nicole

 

=_=

 

Porket ba nagkakausap kami, boyfriend agad? Yung totoo? 

 

"Boyfriend ko? Magsitigil nga kayo..." 

tpos inirapan ko sila... 

 

"Woah! Nang-irap ka? Nagbago ka na... hindi ka naman ganyan dati e TT^TT" -Jaxiane 

"Grabe kayo! Hindi naman ako nagbago e!" 

"Wala! Nagbago ka na~"- Nicole 

 

=_=

 

"Oy! Jaxi, Nicole, Belle!!! Kanina pa ba kayo?"- Wendy

 

tumingin kami sa likod at nakita namin sina Karen at Wendy na papapunta na samin. 

 

"Asan si Marie?" 

"Magtatake daw siya ng AG ngayon e... kaya di siya makakasama"-Karen

"Ayy, sayang naman... Wala pa man din si Grace" 

"Tara, kain na lang tayo?" 

 

Umupo na sila tapos nagsimula ng kumain. Habang kumakain kami, bigla namang nag-vibrate itong cellphone ko, kaya tinignan ko yung nagtext

 

From: Asungot 

Minsan ang hirap talagang maging gwapo............................ blah blah 

 

=_= 

binaba ko na yung phone tpos tinuloy ko na yung pagkain... 

 

"Sino yun? nabusangot mukha mo e! Siguro yun yung boylet mo no???"-Nicole

"Ahhhh~ yung Liam mo??? Naks"-Jaxiane 

"Liam sino yun?"- Wendy 

"Si Liam? Yun yung boyfriend ni Belle!"-Karen

 

Heto nanaman sila, mga kaibigan ko ba talaga to? Ilink daw ba ako sa taong di ko kilala? =_=

 

"Woah! Congrats! Dalaga ka na!"

sabi ni Wendy na nasa tabi ko lang.

 

"Ewan ko sa inyo" 

 

=_=

 ***

Di ko alam pero parang natawa ako sa mga naalala ko. At the same time, medyo naboboringan na rin ako, ang tagal ni Marie tpos ang tagal din nung Liam na yun. -_- Interesado pa naman akong makita ang mukha niya... 

Itinungkod ko na lang yung ulo ko sa kamay ko habang nakatungkod sa mesa yung braso ko... 

Pero sige... aaminin ko... 

.

.

.

.

.

.

Baka crush ko siya? Dahil sa ugali???? 

=_=

Hayy! Ewan! 

*sigh*

** Flash Back **

[Anu ba yan Belle! Bagal o!!!]

 

>o<

nakakaloka naman tong mga to! OTW na nga ako papuntang KFC e... 

 

"malapit na ako! Adik ka talaga Mareng Wendy!" 

 

kasalanan ko ba kung late kaming pinalabas ng adviser namin? 

 

Nagmamadali na lang akong naglakad papuntang KFC at nung natanaw ko na yung pinto, may nakita akong grupo ng mga lalaki pumapasok. 

 

*bilis-bilis*

 

>.<

 

*Woosh*

 

Phew! nakapasok na ako sa loob.

 

"Aww Pare! Dinaanan ka lang o!" 

narinig kong sabi nung isang lalaki pagpasok ko. 

"Weak!" 

"Nagmukha ka tuloy gentleman! LOL!" 

"Nice one! di pala epektibo gayuma mo sa mga high school students! Pa-upgrade mo na yan~" 

 

Infairness di rin naman malakas yung parinig nila no? Pinagtitinginan na sila nung mga tao. Rinig na rinig ko talaga yung mga sinasabi nila e. Pero the hell I care, ang bagal pumasok nung lalaking yun e! Ang nangyari tuloy ay mukha niya akong pinagbuksan ng pinto. 

Well wala na akong pakialam dun >:D 

Dumiretso na lang ako sa second floor at pag-akyat ko nakita ko naman agad sina Wendy at Karen na nagcecellphone at si Marie naman na nagsusulat sa planner niya na di naman nasusunod. 

 

"Oy! Asan sina Jaxiane at Nicole?" 

dumiretso ako sa upuan at tsaka naman nila ako tinignan...

 

=_= -------------------> -_- -_- -_-

Ako                              Sila 

 

??_?? 

Problema ng mga to? 

 

"Nasa counter pa sila" 

yun na lang yung sinabi ni Karen tapos bumalik na siya dun sa harap ng cellphone na hawak din ni Wendy. Umupo na lang ako dun sa bakanteng upuan sa harap ni Marie 

"Hoy! Ano bang problema niyo??? May ginawa ba ako???" 

tinitigan ko sila tapos tinitigan lang din nila ako. So ano to??? Titigan??? Di ba lugi naman ako??? Isa lang ako Tatlo sila... 

"Pano kasiiii!!! Ang tagal mo!!! Inantay ka namin para mag-order tapos wala na di na namin kinaya ang kagutuman umorder na kami!!! >3<"- Marie

"Ahh. Sorry naman tsaka di rin naman ako mag-oorder e. Makikikain lang talaga ako" 

"Bastos ka talaga no! =_="- Karen 

"Yow! Belle!~ Andyan ka na pala!!!"- Jaxiane habang naglalakad papunta sa table na may hawak na tray. 

"Uyy!!! Andito ka na pala?!"- Nicole 

Tapos nun nilapag na nila yung tray sa table at tsaka kinuha nung iba yung mga pagkain nila. 

"Yun! Tara kainan na!!!!" 

Tapos yun nagsimula na kaming mag-chikahan ng kung anu-ano. Sinimulan namin sa pakikipagsapalaran nila Nicole at Jaxiane sa TLE... kung paano sila napuyat para lang matapos yung mga plates na ipapasa. Hanggang sa napunta naman kami sa love life ni Wendy... Tapos nakarating kami kay Karen na kung anung pinagsasabi kanina blah blah... Basta yung mga normal na pinag-uusapan ng mga magkakabarkada...

"Hep! Maiba nga tayo! Ikaw naman ang magkwento Belle" 

Tapos tinignan nila ako ng makahulugan...

=_=

Yang mga tingin na yan e! May ibig sabihin yan... 

"Anong ikukwento ko?" 

pa-inosenteng effect na tanong ko sa kanila... 

"Sus! Malamang yung tungkol sa inyo ng Soon to be boyfriend mo! Hohohoho!" 

O_O

Ano daw?!? 

"Oo nga! Kwento ka dali!!! Yung detailed!" 

>_<

"Balita ko nga improving na daw kayo a! Textmates na sila... OMO!" 

"Grabe yang buhok mo Belle, pati ang lalaking hindi mo pa nakikita ay nabihag mo. Taray!" 

>///>

Nakakainis naman tong mga lokong to! Masyadong malisyoso! 

"Manahimik na nga kayo diyan!" 

Suway ko naman sa kanila, pero lalo lang lumala yung mga tingin at asar nila na mapanglinlang 

"Dalaga ka na! May Liam na o!!!" 

"Aminin mo... CRUSH mo siya no????!!! Ayiiieeeeee! Majuta!" 

O///o 

Ano daw? Crash??? Crush??? 

>_>

Mga kaibigan ko ba talaga tong mga to??? 

"Ayun tayo e! Napaisip siya... Ibig sabihin nun iniisip niya si Liam. Hahahaha!" 

O_O 

"Crush mo nga! Nakakatuwa naman..." 

Crush ko yun?!? E hindi ko nga kilala yun! 

"O baka naman mahal mo na?" 

O_O

halos mapatayo ako sa sinabi ni Marie. Kahit kelan napaka talaga ng mga to... 

"Shut up!" 

"Mahal na kita, kahit di pa kita nakikita..."- Karen

"Ahhh! I love you, nice meeting you!"- Nicole 

"TAMA!!!" 

At hayun nagtawanan lang sila at ako todo naman ang irap sa kanila...

"Kyaaahhhhhh!~ Ang gwapo niya talaga!!!!!! Ang astig, cool, hot talaga ni Zaigel!!!!" 

nadistract naman kami nung marinig naming nagtilian yung mga babae sa tabi namin. Ang landi!!! 

"Hala!!! He's looking at me!!! Ghad! Pwede na akong mamatay!!"

=_=

Ang OA nila! 

Akala mo naman kung sinong koreano ang nakita. Nasanay kasi ako kay Marie e! Kapag ganyan ang reaction niya... siguradong Koreano nanaman yan. 

Naramdaman ko na lang na parang may sumisipa sa paa. Tapos napatingin ako kay Marie, nasa harap ko nga siya di ba? 

"Problema mo?" 

Sabi ko sa kanya... tinignan niya ako tapos biglang dumiretso yung tingin niya sa bandang likod ko kaya sinundan ko...

O_O

Para akong nanlamig nung parang nagtama yung tingin namin nung lalaking nakasalamin na gwapo na kung hindi ako nagkakamali ay yung lalaki kanina sa entrance...

>_<

Wahhhhh! Umiwas agad ako ng tingin. 

>_<

"Tara na? Hindi na maganda ang ambiance ng paligid dito e" 

yaya ni Wendy sabay tayo tapos ganun na rin yung ginawa namin. Gusto ko na talagang makaalis dito. Kinikilabutan talaga ako sa lalaking yun. Lumabas na kami at talagang iniwasan ko talagang mapadaan sa table nila kahit yun lang talaga yung maikling way para makababa agad. 

=_=

Umikot pa tuloy ako... 

***

=_=

bakit ba naalala ko yung pangyayaring yun? Nakakapangilabot... tinignan ko yung oras at lagpas 15 minutes na. Asan na napunta si Marie? Loko yun a! 

"Pwedeng maki-upo?" 

tinignan ko yung nagsalita at halos mapanga-nga ako sa nakita ko. 

YUNG LALAKI SA KFC!!! 

>0<

Parang kanina lang kakasagi lang niya sa isip ko a?! Tapos ngayon nasa harap ko na??? Ang liit lang talaga ng mundo. 

-_-

Umupo na siya sa upuan sa harap ko ng hindi man lang inantay yung sasabihin ko. 

=_=

How nice naman... 

Balak ko sanang lumipat ng pwesto dahil sa awkward ang pakiramdam ko sa lalaking to. Kaya lang pagtingin ko sa paligid. Puno na pala... -_- 

No choice ako kundi ang umupo kasama nitong kung sino man to. 

Tapos di ko pa alam kung nasaang lupalop na ng mall na to at kung buhay pa ba yung Asungot na inaantay ko. 

Tinignan ko yung lalaki sa harapan ko na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Tapos yung phone ko rin, chineck ko kung may nagtext... pero wala... 

=_=

Pag ako talaga nabanas!!! 

Bigla tuloy sumagi sa utak ko kung paano nangyari't nagkameet-up kami. 

** Flash Back **


*vibrate*

Kinuha ko yung phone para malaman kung sino tong Asungot na istorbo sa pagtulog ko. 

From: Asungot

 

iloveyou :))) 

O_O 

O_o

o_O

O/////O 

Ano daw?!!!!!!!!!!!!!! Pinagsasabi nitong nyemas na to?! 

To: Asungot 

Problema mo? -_- 

After ng ilang minuto nag-reply siya

From: Asungot

Password mo yan di ba? Dun sa account... >:D 

O_O 

Panung nalaman niya?! Anong?! Teka?! Na-hack ba yun? Hacker ba siya???!!! Nalaman niya yung password nung FB nung character ko!!!! 

Ahhh. Kunwari hindi ko na lang alam. Idedeny ko... tapos papalitan ko na lang... Pero grabe!!! Panu niya nalaman?! Di ko alam TT_TT 

From: Asungot 

Papalitan mo no? Hahaha! Pinalitan ko na :P Alam ko rin email add nun! >:D 

OoO 

To: Asungot 

Panu mo nalaman??? Abnormal ka ba? 

Feeling ko, sasabog na yung utak ko sa kakaisip kung panu niya nalaman yung PW at Email nun! Wala naman kasi akong pinagsabihan. AKO LANG AT TANGING AKO LANG ang nakakaalam nun. 

From: Asungot

Tara meet tayo. SASABIHIN KO LAHAT! :)) 

*** 

>.<

Kaya hayun... tapos ang tagal pa nila. At sobrang awkward na talaga dahil sa kaharap kong lalaki na super cold/seryoso na nagbabasa ng libro. 

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid. Asan na ba kasi si Marie?!!! Ibibitin ko patiwarik yun e! 

"Waiting for someone?" 

Nagulat ako nung magsalita si Kuya KFC. FC tong isang to!!! Pero kahit na gwapo siya di ko siya pinansin, Don't talk to strangers nga daw. Tinignan ko lang siya at patuloy lang siya sa pagbabasa... Di ko na lang siya pinansin. 

"Tss. Oo nga pala Miss, nahulog mo ata to..." 

Tapos may nilapag siya sa harap ko na piraso ng papel. Tinignan ko lang siya at kinuha yung papel na yun pero nakafocus pa rin siya sa pagbabasa ng libro. 

O_O

WTF! 

OMG!!! Panung?!!!!!!!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

YUNG EMAIL AT PASSWORD NUNG FB NUNG CHARACTER KO!!!!! 

Ibinalik ko yung tingin ko sa kanya pero this time nakatingin na siya sakin ng nakangiti...

O_O

Hindi kaya?! 

NO WAY!!! 

SANA MALI TONG INIISIP KO!!!

"By the way... I'm Zaigel William Alcantara, nice meeting you Ms. Belle Laura Naraja" 

Tapos inabot niya yung kamay niya

O_O- Ako

^_^- Siya

Seryoso ba to? Hindi ba ako nanaginip or napaparanoid? Fudge! 

>.<

Binaba na niya yung kamay niya kasi di ko mareplayan ng hand shake... Feeling ko nawawala yung utak ko e. Panu niya nalaman yung name ko? 

"Nakasulat yung name mo at yung school sa likod ng papel na yan... and actually... I've been stalking you for a couple of weeks" 




Di pa rin ako makapagsalita, nasa state of shock pa rin ako... at wala sa tamang kaisipan. Hindi pa rin ako makapaniwala, totoo ba to? 

>O< 

Gaaaaaa! Asan na ba si Marie????!!!! Bakit wala siya?! Tulungan niyo ko!!! 

What to do?! 

"Gusto mo na bang malaman yung password?" 

Tinignan ko siya at mukhang gumagana na medyo yung utak ko. Nagproprocess na siya ulit... 

"Ano?" 

nakita ko namang nag-smirk siya... O sige na aaminin ko na! Ang gwapo niya... ang ganda niya pa ngumiti... -_-

"I love you too..." 

O//////////////O

Ano daw? Kanina utak ko, ngayon ba tenga ko naman??? 

Nabingi ba ako? O nagkamali ng dinig??? 

"Ha?" 

"Tss. Sabi ko [email protected], I love you~ I fall for you... And I want to court you ^_^" 

O///////////////////O

~End~

Marie's POV

>o<

Wahhhh!!! Nakakainis naman o! Feeling ko talaga magagalit sakin si Belle pag nalaman niya yung ginawa ko. 

~O~ 

Actually, pabalik na sana ako nung harangin ako ng isang lalaki... 

** Flash Back **

OMO! 15 Minutes na!!! Nakakaadik kasi tong si Min Ho eeeeee~! Gwapo! >_< 

Halos patakbo lakad na ginawa ko para makabalik agad... Kaya lang nung malapit na ako. 

"Miss! Sandali lang!" 

napatigil naman ako at napalingon... Feeler ako e! Baka ako yung tinatawag. Hahahaha~ 

"Ako ba kausap mo?" 

Sabi ko habang tinuturo pa ang sarili ko dun sa lalaking naglalakad palapit sakin. 

O_o

Parang familiar siya??? 

"Ikaw yung kasama nung babae sa loob di ba?" 

Huh? 

"Ha? Sorry po di ko alam yung sinasabi mo." 

Maglalakad na sana ulit ako kaya lang bigla niyang hinigit yung braso ko... 

"Ako yung guy sa KFC remember?"

Tinignan ko siya tapos nag-isip... 

Hmmmmm...

Ahhh! Naalala ko na! 

"Ahhh. Yung tumingin kay Belle? Yung Zaigel Chuchuchuchu??? Yung gwapo pero ang sagwa talaga ng itsura??? Naalala ko na!" 

^_^ 

Sabi ko sa kanya ng nakangiti pa... Tapos sinamaan naman niya ako ng tingin. 

"Tss." 

"Anong gagawin ko ngayon? Starbucks naman to. Hindi naman KFC?" 

Sabi ko sa kanya dahil sa medyo nagmamadali ako at natatakot na masapak ni Belle 

"Don't go back, umalis ka tapos pumunta ka somewhere..." 

O_O

"Hoy kuya!!! Best friend ko yung nag-aantay sa loob. Anong don't go back chenelyn yang pinagsasabi mo?"

"Psh. I'm Liam... yung guy na imemeet niya ngayon..."

Liam???

O_O

Woah! It's a small world after all!!!

"Ikaw si Liam??? Akala ko pa naman gwapo mukha palang aso... sige na alam ko yang ipinapahiwatig mo. Gusto mong masolo ang Belle namin. Siya sige na... Go and Bond together. ^_^"

Tapos di ko na inantay yung reply niya at umalis na ako... pero pumuwesto lang din ako sa malapit yung makikita ko sila... 

:>

** End of Flash Back ** 

So hayun nga... kinikilig ako sa kanilang dalawa. Pero sana di malaman ni Belle to, mayayari ako dun e xD Ahahahahaha~ 

Feeling ko tuloy magkakalove-life na ang isa sa amin. 

^_^ 

~Munja Washong~ (Ringtone)


Tinignan ko yung cellphone ko kasi may nagtext... 

From: Boss Nicole 

Wahhhhhhhh! Guys! Yung Grad gift sakin nila Mommy at Daddy!!!! 

.

.

.

One week stay sa Japan!!!! Pupunta ako sa concert ng Hey Say Jump! Makikita ko na si Chinen *O* 

O_O

Woah!!! Ang swerte naman ni Nicole! Ako kaya kelan kami magkikita ng asawa kong si Min Ho. 

    Hyunji

    Isang walang kwentang writer na maraming alam sa buhay.


Hyunji's World